Home ENTERTAINMENT Ai Ai, tinulungan si Angelica; Paninda, sold-out!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ai Ai, tinulungan si Angelica; Paninda, sold-out!October 20, 2024 14:212220 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Kumbaga sa pelikula, blockbuster ang live online selling ni Angelica Yulo.Thanks to Ai Ai de las Alas na tumulong sa kanya.Nagkita nga sina Ai Ai at Angelica nitong October 15, Martes sa isang karaoke bar sa Malate, Manila sa paanyaya ng Comedy Queen.Inimbitahan kasi ni Ai Ai ang ina ng two-time gold medalist na si Carlos sa The Clash.Agad-agad–isang singing challenge sa official Facebook page ng komedyana ang nangyari.“Bumanat” si Angelica ng Abba hit song na Dancing Queen.Nakahabol naman si Mark Andrew, ang mister ni Angelica.Nagduweto sila ni Ai Ai ng Blue Bayou.To return the favor, Ai Ai volunteered to help Angelica in her live selling.Tinatayang mahigit 3,000 libo ang tumutok sa live selling na ‘yon ng mga panindang t-shirt ni Angelica.Kabilang nga sa mga nanonood ay sina direk Daryl Yap at Boss Toyo.Sold-out ang mga paninda ni Angelica!Matatandaang mas kinampihan ni Ai Ai si Angelica kesa sa nobya ni Carlos na si Chloe San Jose. Ronnie Carrasco III