Home ENTERTAINMENT Sandro, pinagdududahang nabayaran!

Sandro, pinagdududahang nabayaran!

Manila, Philippines – May kasabihan ngang “Silent water runs deep.”

Pero iba ang pakahulugan ng ilang netizens sa obyus na pananahimik ni Sandro Muhlach sa kasong isinampa niya sa DOJ laban sa mga umano’y nang-abuso sa kanya.

Matatandaang idinaan ng Sparkle artist sa cryptic post ang kanyang naging karanasan hanggang naisapubliko na nga ito.

Social media ang nagsilbing sumbungan ni Sandro.

Pero ano’t tila nananahimik na siya ngayon?

Ini-repost ng aktor ang ilang haka-haka ng mga netizens na sinagot din niya.

Isa roon ay: “Ano na ang nangyari sa kaso mo? Nabayaran ka ba para tumahimik?”

Still another netizen pointed out that since it’s already with the DOJ ay resolusyon na lang ang hinihintay.

Hindi ito pinalampas ni Sandro by saying hinihintay daw ng kanyang legal team ang sasabihin ng DOJ.

They’re also awaiting word from the legal department of GMA.

Pero ipinagdiinan ni Sandro, hindi siya nagpabayad o magpapabayad para aregluhin ang kaso.

He vowed to pursue the case until the very end.

Kung babalikan, Sandro’s last TV appearancs ay nitong maglaro siya sa Family Feud.

But that particular episode was taped even ahead of the incident na inirereklamo niya.

When the issue simmered down a bit ay saka lang ‘yon iniere ng GMA so as not to be accused of using Sandro’s case.

Samantala, habang sinusulat din ito’y walang balita kung nakabalik na sa New York ang ina ni Sandro who took a leave off her duty as a nurse. Ronnie Carrasco III