Home METRO 7 dorobo, arestado

7 dorobo, arestado

230
0

PAMPANGA, Philippines – Matapos ang ilang oras na pagtugis ng mga awtoridad sa mga kawatan na nanloob sa isang convenience store sa barangay Dampulan, Jaen, Nueva Ecija ay nasukol at nakorner ng mga pulis ang mga suspek sa isang bahay na ginawang hideout ng mga ito sa Novaliches, Quezon City.

Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Ponce Rogelio PeƱones Jr., nadakip ang mga suspek sa maagap na flash alarm at hot pursuit operations sa pamamagitan ng mga isinasagawang GPS monitoring at CCTV backtracking.

Nakatulong sa pagtunton ng mga awtoridad sa mga suspek ang pagkakadiskubre sa ninakaw at itinapong payment kiosk na natagpuan sa madamong bahagi ng North Luzon Expressway sa Marilao, Bulacan.

Sa pagtutulungan ng Central Luzon Police at Quezon City Police District nakorner ang mga suspek.

Narekober sa mga suspek ang ninakaw na volt na naglalaman ng hindi nabatid na cash sa nilooban ng mga ito na Alfamart Jaen, Nueva Ecija.

Nasamsam sa mga suspek ang mga baril, mga tools na gamit sa kanilang panloloob at pagnanakaw, hindi nabatid na halaga ng hinihinalang iligal na droga, mga ninakaw na items kabilang ang vault at ang getaway vehicle na gamit ng mga suspek sa kanilang operasyon.

Ang mga naarestong suspek ang itinuturo rin umanong responsable sa mga serye ng robbery incidents sa dalawang gasoline station sa Quezon City kung saan nakatangay ang mga kawatan umano’y ng daang libong halaga ng pera.

Nasa kustodiya na nang pulisya ang mga naarestong suspek na nahaharap sa patung-patong na kaso. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here