Home METRO 7 huli sa droga, anti gambling sa Valenzuela

7 huli sa droga, anti gambling sa Valenzuela

241
0

VALENZUELA, Philippines – Pitong indibidwal kabilang ang tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga ang naaresto sa magkahiwalay na anti-gambling operations sa Valenzuela City.

Sa tinanggap na report ni Valenzuela Police Acting Chief P/Col. Joseph Talento, dakong alas-9:30 ng gabi nang maaktuhan ng mga tauhan ng Dalandanan Police Sub-Station 6 ang tatlong katao, kabilang ang isang lola na nagsusugal ng ‘lucky 9’ sa isang bakanteng lote sa Mac Arthur Highway, Brgy. Malanday.

Nasamsam sa kanila ang bet money, playing cards at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nakuha kay alyas “Nel”, 47, ng Meycauayan, Bulacan.

Dakong alas-9:50 ng gabi nang maaktuhan din ng isa pang team ng SS6 ang dalawang lalaki na nagsusugal naman ng ‘cara y cruz’ sa Mac Arthur Highway, Brgy. Malanday at nakuha sa kanila ang bet money, tatlong peso-coins ‘pangara’ at isang plastic sachet ng umano’y shabu na nakumpiska kay alyas “Rom”, 40.

Nauna rito, naaresto ng mga tauhan ng Ugong Police Sub-Station 8 ang dalawang lalaki nang maaktuhang naglalaro ng sugal na ‘Dice’ sa Que Balag St., Brgy., Ugong bandang alas-8:00 ng gabi. Nasamsam sa kanila ang isang dice, bet money at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nakuha kay alyas “Lito”, 25.

Kasong paglabag sa PD 1602 (Anti-Illegal Gambling Law) Ang isasampa laban sa mga inaresto habang karagdagan na kasong paglabag sa R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang kakaharapin pa ng tatlo sa kanila. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here