Home METRO DPWH Sec. Dizon, bumisita sa Cebu

DPWH Sec. Dizon, bumisita sa Cebu

136
0

MANILA, Philippines – Personal na nagtungo si DPWH Secretary Vince Dizon sa Bogo City, Cebu para makita ang sitwasyon ng mga naapektuhan ng 6.9 magnitude na lindol.

Kasama ni Dizon na nag-inspeksyon sina Philippine Red Cross (PRC) Chairman Richard Gordon, Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco at iba pang opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), DPWH, at PRC ang Brgy. Cogon, Bogo City.

Ito ay para masigurong maayos at mabilis ang pagtatayo ng mga pansamantalang tirahan para sa mga apektadong residente ng malakas lindol kamailan.

Kasalukuyan din ang pagtatayo ng ‘Tent City’ sa nasabing barangay bilang tugon sa utos ng Pangulo na bilisan ang pagpapadala ng tulong sa mga apektadong lugar sa nasabing probinsiya.

Sa nasabing sakuna, maraming tirahan, establisyimento at gusali ang gumuho na nagresulta ng higit daang kataong nasawi at mga sugatan dahil sa malakas na pagyanig. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here