MANILA, Philippines – PITONG indibidwal ang inaresto sa joint operation ng National Bureau of Investigation (NBI) na sinasabing co-conapirators ni dating Bamban Mayor Alice Guo.
Kinilala ni NBI Director Judge Jaime Santiago (Ret) ang mga naaresto na sina Roderick Paul Bernardo Puajante, Juan Miguel Alpas ng pinagsamang puwersa ng NB-OTCD), NBI-IPRD at NBI -CTD) habang sina Rachelle Joan Malonzo Carreon, Jamielyn Santos Cruz, Rita Sapu Uyturralde, Rowena Gonzales Evangelista at Thelma Barrogo Requiro ay inaresto ng pinagsamaang puwersa ng NBI-OTCD, NBI-ARDO at NBI-CELRO.
Si Guo ay naging sentro ngayon ng pagdinig sa Senado dahil sa mga kinakaharap na kaso na may kaugnayan sa POGO. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)