Home NATIONWIDE Sapul ng transport strike, kaunti lang – DOTr

Sapul ng transport strike, kaunti lang – DOTr

MANILA, Philippines – Maliit lang ang naging epekto sa mga pasahero ang transport strike na ikinasa at pinangunahan ng transport group na Manibela at Piston.

Sinimulan ngayong araw ng Lunes, Setyembre 23 ang transport strike na ikinasa ng grupong MANIBELA at PISTON na tatagal hanggang bukas, Martes, Setyembre 24.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na palaging handa ang departamento at iba pang ahensiya ng pamahalaan sa ganitong mga senaryo.

“Yung strike, itong string ng Manibela at Piston pang-ilang beses na nilang ginagawa pero naipakita naman natin na nag Dotr at ang ibang mga agencies ay ready, prepared, dahil sa ngayon, napakarami na nung sumusuporta doon sa ating public transport modernization program,” ayon sa Kalihim.

“Kaya nga aniya, hindi na hindi na nila ito masyadong pinapansin lalo pa’t hindi naman nakakaapekto sa kalagayan ng mga existing transport system dahil mahigit sa 83% ang sumusuporta aniya sa programa ng DOTr at ang lahat ng ito aniya ay hindi sumasama sa transport strike,” ang sinabi pa rin ng Kalihim.

Para naman kay DOTR Usec. Jesus Ferdinand Ortega, nagpapasalamat naman sila sa lahat ng members ng Inter-Agency Task Force, sa laki ng tulong ng mga ito sa paghawak sa kaganapan ngayong araw.

“We are maintaining and continuing our program of zero stranded passengers sa nangyayari today, and malaki pong pasasalamat natin sa mga kasamahan natin sa different LGUs, MMDA, PNP. Kasama rin po natin dito iyong ating mga tiga-LTO and LTFRB,” ayon kay Ortega.

Samantala, ikinagalak namang sabihin ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III na sa ngayon ay walang na-stranded na pasahero sa lahat ng mga spots na kailang mino-monitor.

“Unang-una po, kakaunti lang po iyong mga sumama doon sa transport strike; pangalawa, mayroon po kaming nakahandang libreng-sakay; and then pangatlo po, nandoon po ang PNP to maintain peace and order para doon sa mga dyip na … para sa mga operators na namimilit po na sumama iyong mga kasamahan nila sa strike. So as of this time ho, wala hong na-stranded ni isang pasahero,” ang pahayag ni Guadiz.

Sinabi pa rin niya na nag-deploy rin ang LTFRB ng “Libreng Sakay” vehicles para sa mga mahihirapang sumakay kasunod ng tigil-pasada.

“Unang-una, dinidispatsa natin iyong libreng-sakay kung talagang kailangan lang. Kasi hindi po natin puwedeng idispatsa ito kung maayos naman po iyong takbo at natutugunan ang mga consolidated transportation groups, iyong mga kooperatiba at asosasyon, iyong needs ng sa kalye po. Kasi mahirap naman po kung maglibreng sakay tayo tapos apektado iyong mga pumapasada po,” ang sinabi naman ni Ortega.

“But regarding your concern po, rest assured po na we will maximize and use properly iyong ating libreng-sakay. At tama po kayo, hindi pa po tapos iyong araw but we see the flow of the half of the day that it will continue po hanggang mamayang hapon at hanggang bukas na rin po,” aniya pa rin.

Kasunod nito, ipinunto naman ni Guadiz na kinikilala naman ng ahensya ang karapatan ng mga driver at operator na ipahayag ang kanilang hinaing.

Gayunman, panawagan nito na iwasang magdulot ng buhol-buhol na trapiko lalo na sa major thoroughfares.

Sa panig ng gobyerno, nananatili umano itong nakatuon sa pagtiyak na may maayos at maaasahang access ang mga mamamayan sa pampublikong transportasyon. Kris Jose