Home NATIONWIDE Mas maraming cancer hospitals itatayo ng gobyerno

Mas maraming cancer hospitals itatayo ng gobyerno

103
0

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magtatayo ang kanyang administrasyon ng ilang medical facilities para sa mga cancer patients.

Muling inulit ng Pangulo ang hangarin nitong dalhin ng mas malapit ang serbisyo sa mga tao.

Tugon ito ng Pangulo sa mensahe ng ipinadala sa kanya ng isang nagngangalang Maria na maliban sa binati siya ng ‘happy birthday’ ay hiniritan siya na tulungan ang mga cancer patients na makahanap ng medical treatment ng hindi na kailangan na bumiyahe papuntang Metro Manila.

Sa nasabi pa ring vlog, nangako si Pangulong Marcos na titiyakin niyang ‘accessible’ ang medical care para sa bawat Filipino.

“Number one talaga, number one para sa akin sa priority na ginagawa ng pamahalaan yung healthcare,” anito.

Samantala, sa kamakailan lamang na vlog pa rin ng Pangulo, sinabi nito na ang malaking pasilidad ay dedikado sa mga cancer patients ay itinayo sa Pampanga.

“Mayroon tayong mga itinatayo na tinatawag specialty hospital. Mayroon ngang isang malaking-malaking cancer specialty hospital na nasimulan na sa Pampanga,” ayon sa Pangulo.

Tinuran pa ng Pangulo na magtatayo ang gobyerno ng kahalintulad na pasilidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Maglalagay din po tayo sa mga iba’t ibang lugar para hindi na kayo mahirapan na kahit malalayo ay kailangan dadalhin lahat dito sa Maynila ,” ang winika ng Pangulo.

“Ilalapit namin ang serbisyo ng healthcare sa inyong lahat, lalong lalo na sa mga kawawa nating mga cancer patients,” aniya pa rin.

Samantala, inulit ng Pangulo ang kanyang ‘strong commitment’ na iprayoridad ang healthcare system sa Pilipinas.

“Number one talaga, number one para sa akin sa priority na ginagawa ng pamahalaan ‘yung healthcare,” ang sinabi ng Pangulo sa kanyang pinakabagong vlog, bilang tugon sa komento mula sa isang netizen hinggil sa regalo niyang “Zero Billing”.

Matatandaang, noong kanyang kaarawan , Setyembre 13, ipinag-utos ng Chief Executive sa Department of Health (DOH) na bayaran ang lahat ng gastusin ng lahat ng inpatient, outpatient, at emergency services sa 22 public hospitals sa buong bansa sa pamamagitan ng “Zero Billing.”

Sinabi ng isang netizen na si Adrianne Bianca na dapat na iprayoridad ng gobyerno ang kalusugan at kapakanan ng mga Filipino sa pamamagitan ng Universal Healthcare. Sinabi nito na ang “Zero Billing” ay malaking tulong at dapat na ipatupad araw-araw.

Tanggap naman ni Pangulong Marcos ang sentimyento ni Bianca sabay sabing hindi dapat na maging kampante ang pamahalaan sa pagsusulong ng isang globally competitive healthcare system para sa mga Filipino, lalo na iyong mga underprivileged.

Ang naging tugon naman nito sa netizen na si Alicarl Limas Apolinaria, pinasalamatan ang Pangulo para sa pagsisikap nito, inilarawan ang “Zero Billing” bilang isang band-aid solution na hangad din nya (Pangulo) ang araw-araw na pagpapatupad ng Zero Billing.

“Maraming, maraming pangangailangan ang bawat isang Pilipino at ginagawa naming lahat… kahit papano… Hindi natin mabubuo lahat ‘yan ngunit gagawin naming ‘yan lahat para talagang malaking bawas sa bigat na dala,” aniya pa rin.

Nagdiwang ang Pangulo ng kanyang kaarawan noong Setyembre 13 sa pamamagitan ng pagpapatupad ng “Zero Billing” sa 22 public hospital sa bansa at pinalawak ang serbisyo ng pamahalaan at financial assistance sa mga magsasaka at mangingisda, bukod sa iba pa. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here