Home METRO 7 katao timbog sa P2.3-M ‘botchang’ karne sa Bulacan

7 katao timbog sa P2.3-M ‘botchang’ karne sa Bulacan

253
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang pitong indibiduwal nang mahulihan ng P2.3 milyon halaga ng hinihinalang double-dead meat sa operasyon ng mga awtoridad sa bayan ng Marilao nitong Agosto 20.

Sa report ni PLTCOL Jordan Santiago, hepe ng Marilao police station, bandang 10:30 ng gabi ay namataan ng Brgy. Kagawad kasama ang mga tanod ng Brgy. Sta. Rosa 1, ang wing van truck na may ilang indibiduwal na naglilipat ng hinihinalang botyang karne sa refrigerated van.

Dahil dito, agad ipinaalam ang insidente sa National Meat Inspection Service (NMIS) at sa istasyon ng pulisya na tumulak lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga hindi pinangalanang suspek.

Nasamsam sa operasyon ang 435 kahon ng umanoy hot meat na tumimbang ng nasa 12,500.8 kilo at may halagang P2.3 milyon.

Nabatid na ang mga nakumpiskang karne ay pansamantalang itinurn-over sa istasyon ng pulisya at kalaunan ay ibinigay sa NMIS para sa tamang disposisyon.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nasa kustodiya na rin ng nasabing istasyon.

Kaugnay nito, tiniyak ni Bulacan Police director PCOL  Angel Garcillano na lalo pang paiigtingin ng pulisya ang operasyon laban sa pagkalat ng delikado at iligal na karne upang mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mamamayan. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here