Home METRO TNVS drayber, sugatan nang saksakin, paluin sa ulo ng mga na-book na...

TNVS drayber, sugatan nang saksakin, paluin sa ulo ng mga na-book na pasahero

255
0

PAMPANGA, Philippines – Isang driver ng transport network vehicle service (TNVS) ang sinaksak, tinutukan ng baril, at hinampas sa ulo ng dalawang pasaherong nagpa-book ng kanyang serbisyo.

Ayon sa ulat, ang biktima ay residente ng Makati City at na-book ng mga suspek sa Taytay, Rizal papuntang Pampanga noong Martes.

Bago makarating sa Macabebe sa Pampanga, dumaan muna sila sa iba’t ibang bayan sa lalawigan hanggang sa makarating sila sa Barangay Consuelo, kung saan nangyari ang insidente.

“May mga nakitang mga tao, isinadsad niya sa may gilid. So nakuha niya ‘yung atensyon. Doon na ‘yung nagkagulo na,” ani Macabebe Police Station chief Police Major Reginal Turla.

Matapos mabangga ng driver ang kanyang sasakyan sa gilid, agad na humingi ng tulong ang mga tao sa malapit.

Sinubukan pang tumakas ng mga suspek ngunit nahuli sila ng mga residente at opisyal ng barangay.

“Noong rumesponde kami, may nakita kaming sasakyan na red. Doon una naming nakita ‘yung tao na duguan tapos ‘yung dalawang naglalakad, nagtago sa mga damo-damo doon sa amin,” ani Barangay Consuelo kagawad Jay Guevarra.

Narekober ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang isang replika ng pistola, isang hand grenade, isang cell phone, at isang sling bag na naglalaman ng iba’t ibang ID.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong car theft at frustrated homicide.

Samantala, nagpapagaling pa sa ospital ang biktima. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here