Home HOME BANNER STORY 7 manufacturer, magtataas ng presyo simula Abril 1

7 manufacturer, magtataas ng presyo simula Abril 1

122
0

MANILA, Philippines – Ayon sa isang grupo ng supermarket, pitong manufacturer sa bansa ang magtataas ng presyo ng ilang produkto simula Abril 1 dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis na dulot ng tensyon sa Middle East.

Sinabi ni Philippine Amalgamated Supermarkets Association Inc. president Steven Cua na kabilang sa apektadong produkto ang bottled water, home care products, kendi, at noodles.

Nilinaw niya na hindi dapat masyadong mabahala ang publiko dahil hindi kasama sa pagtaas ang mga pangunahing bilihin tulad ng canned goods, gatas, kape, at tinapay.

Ayon pa kay Cua, hindi rin malaki ang magiging dagdag-presyo at iiwasan ng mga manufacturer ang biglaang “malakihang taas-presyo” dahil sa posibilidad na bumaba rin ang presyo kapag humupa ang krisis.

Sa bottled water, tinatayang aabot sa ₱5 ang dagdag sa malalaking galon, habang 25 hanggang 50 sentimos naman sa mas maliliit na bote.

Dagdag niya, ang ilang home care products ay tataas din dahil imported ang mga sangkap nito at mataas ang gastos sa pagdadala ng produkto mula Visayas at Mindanao papuntang Metro Manila.

Ayon sa grupo, maliit lamang ang inaasahang pagtaas ng presyo at limitado sa ilang produkto lamang na madalas gamitin ng mga negosyo tulad ng kainan, bakery, at restaurants. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here