MANILA, Philippines – Nagbabala ang Toxic watchdog BAN Toxics kaugnay sa pitong China-made skin whitening creams na ibinibenta online shopping sites matapos makitaan ng mercury content.
Apat sa mga produkto na ito ang ipinagbawal na ng Food and Drug Administration (FDA).
Gamit ang Vanta C Series Handheld XRF Chemical Analyzer, ang mga skin lightening cream, na may presyo sa pagitan ng P80 at P264, ay natagpuang naglalaman ng labis na halaga ng mercury, na may mga antas na mula 115 hanggang 5,150 parts per million (ppm), na lumalampas sa limitasyon ng regulasyon:
– JiaoLi HuiChuSu Face Cream 7 Day Specific Eliminating Freckle (banned na ng FDA)
– JiaoLi HuiChuSu Miraculous Cream (banned na ng FDA)
– Szitang 7-days Specific Whitening & Spot A-B Set Cream (banned na ng FDA)
– Szitang 10-day Whitening at Spot Day & Night Set (banned na ng FDA)
– BL Vterly Day and Night Retinol & Collagen Cream
PEARL NATURAL Whitening & Anti-Aging Cream
Day and Night Whitening Anti Freckle Melasma (Green)
Ayon sa World Health Organization Fact Sheet on mercury and Healt, ang mercury ay itinuturing na isa sa top ten chemicals ng major public health concern.
Ang pagkakalantad sa kahit maliit na halaga ng mercury ay maaaring magdulot ng malubhang problema sa kalusugan at magdulot ng banta sa pag-unlad ng isang bata sa utero at sa mga unang yugto ng buhay. Ang mercury ay maaari ding magkaroon ng nakakalason na epekto sa nervous, digestive, at immune system, gayundin sa baga, bato, balat, at mata.
“We are dismayed that skin lightening creams tainted with mercury continue to prevail in online markets despite regulations on the use of mercury in personal care products,” sabi ni Thony Dizon, Toxics Campaigner, BAN Toxics.
Nagbabala ang BAN Toxics sa publiko na maging mapagbantay sa pagbili ng mga skin lightening cream na kinokontrol ng FDA upang maiwasan ang pagkakalantad sa nakakalason na mercury.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)