Home NATIONWIDE 7 nalambat sa P3.6M tobats

7 nalambat sa P3.6M tobats

LUCENA CITY, Quezon- Nasabat ng mga pulis ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng kabuuang P3.6 milyon at naaresto ang pitong drug pushers sa buy-bust operations sa Quezon noong May 17.

Dalawang suspek ang high-value individuals sa illegal drugs trade – Janjan at Dennis.

Ang iba naman ay street-level individuals at lahat ay residente ng lalawigan.

Nakuhanan ang mga suspek ng 165 gramo ng shabu na may estimated value na P3.6 milyon.

Ikinakasa na ang drug-related cases laban sa kanila. RNT/SA