Home NATIONWIDE Parusa ng barangay sa Abra  sa maling pagtatapon ng basura kinondena ng...

Parusa ng barangay sa Abra  sa maling pagtatapon ng basura kinondena ng CHR

MANILA, Philippines- Tinuglisa ng Commission on Human Rights (CHR) ang kontrobersyal na parusa na ipinataw ng isang barangay sa Bangued, Abra para sa hindi tamang pagtatapon ng basura.

Ang barangay captain at anim na opisyal ng Barangay Calaba ay sinuspinde ng 90 araw matapos na magreklamo ang ilang residente sa parusa para sa third offense na parang nagpapahiwatig ng death sentence.

Makikita sa kontrobersyal na tarpaulin na ang kailangang magbayad ang violators ng multa na P1,000 para sa first offense; at P1,000 at siyam na oras na community service para sa second offense. Para naman sa third offense, makikita sa karatula ang isang imahe ng handgun o baril.

“Such cruel directives and offenses does not address the problem, instead, it only perpetuates confusion, perplexity, and distress among the constituents,” ayon sa CHR sabay sabing, “These heinous remarks have not only caused social unrest but also posed a direct threat to the right to life.”

Tinuran ng CHR na ang local government officials ay hindi dapat na ginagawang biro ang sensitibong usapin, binigyang-diin na ang death penalty ay ipinagbabawal sa ilalim ng 1987 Constitution.

“Such ordinances must align with national laws and respect fundamental human rights, ensuring that they do not overstep legal and ethical boundaries,” dagdag na wika ng CHR.

“Local leaders are responsible for serving the immediate interests of their constituents. Above all, they should embody the morals and values of leadership, particularly in respecting everyone’s rights.” giit pa ng CHR.

Dahil dito, pinuri ng human rights agency ang local government ng Bangued para sa mabilis na aksyon nito laban sa anim na barangay officials. Kris Jose