Home METRO Residential area sa P’que nilamon ng apoy

Residential area sa P’que nilamon ng apoy

MANILA, Philippines- Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Gomburza Street sa Barangay Sto. Niño, Parañaque City nitong Sabado ng gabi.

Sinabi ng Bureau of Fire Protection na nagsimula ang sunog ng alas-10:41 ng gabi sa isang bahay, base sa ulat nitong Linggo ng umaga.

Agad na kumalat ang apoy sa mga kalapit na tahanang gawa sa light materials.

Itinaas ng BFP sa fifth alarm ang sunog dahil sa patuloy nitong pagkalat sa residential area.

Lampas alas-3 ng madaling araw nitong Linggo nang ideklarang under control ang sunog base sa mga bumbero.

Tuluyang naapula ang apoy pagsapit ng alas-5:30 ng umaga nitong Linggo.

Aabot sa 70 bahay ang naapektuhan ng sunog. RNT/SA