Home HOME BANNER STORY 3 bangkay umalingasaw sa bahay sa Las Piñas

3 bangkay umalingasaw sa bahay sa Las Piñas

MANILA, Philippines- Natagpuang patay ang tatlong indibidwal, kabilang ang isang menor-de-edad, sa loob ng isang residential area sa Barangay Pulang Lupa Dos sa Las Piñas City.

Nadiskubre ang mga bangkay matapos mapansin ng isang indibidwal ang nakasusulasok na amoy na nanggagaling sa isa sa mga silid sa bahay bandang ala-1:34 ng hapon noong Sabado, base sa ulat nitong Linggo.

Iniulat ito sa mga kaanak ng mga biktima, maging sa barangay at sa CAA police substation.

Nang magtungo ang mga awtoridad sa bahay upang beripikahin ang ulat, namataan nila ang mga labi ng isang lalaki at dalawang babae na nakahandusay sa kama.

Kinumpirma ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na patay na ang tatlo.

Naaresto ang suspek sa pagpatay sa isang follow-up operation noong Sabado ng gabi.

Kasalukuyan siyang nakaditene sa Las Piñas City Police Station at mahaharap sa murder charges.

Sinisilip ng mga imbestigador ang crime of passion bilang posibleng motibo sa murder, dahil pinaniniwalaang ang suspek ay live-in partner ng isa sa mga biktima.

Nadiskubre rin ang 20-pulgadang kahoy sa crime scene.

Gayundin, magulo ang mga gamit ng mga biktima, base sa ocular investigation na isinagawa ng mga pulis.

Hiniling ng forensics unit na iproseso ang lugar para sa technical aspect ng imbestigasyon.

Ayon sa kapatid ng isa sa mga biktima, huling nakitang buhay ang tatlo noong Miyerkules, RNT/SA