Home ENTERTAINMENT KathDen, naghahanda na sa HLG2!

KathDen, naghahanda na sa HLG2!

Manila, Philippines – Kasado na ang timeline ng work sked nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

On both sides, kinumpirma na ng isang backup account ng Star Cinema na there’s no stopping the filming of Hello Love Goodbye 2.

‘Yun nga lang, respectively ay magpo-focus muna sina Kathryn at Alden sa kani-kanilang trabaho.

Which means the sequel of HLG won’t start filming until August.

‘Yun na kasi ang schedule na maluwag for Joy and Ethan (their characters in the movie).

‘Yung lagay na ‘yon ay nagkakagulo na ang mga fans, how much more if the official announcement comes from Star Cinema?

Siyempre, may pumapalag sa loveteam nila.

But lest the netizens forget, walang loveteam sina Kathryn at Alden kundi partnership lang sa pelikula, na napakalayo kung ihahambing sa nabuwag nang KathNiel.

Anyway, bago gumiling ang kamera para sa HLG na balitang kukunan sa Canada’y mauuna munang gawin ni Kathryn ang Elena 1944.

As for Alden, araw-araw na itong nagte-taping for GMA’s Pulang Araw.

Balitang June or July eere ang pilot episode nito.

May Sparkle Goes to Canada 2 pa si Alden so pag nakahinga-hinga na siya’y saka pa lang pagtutuunan nito ng pansin ang HLG.

Samantala, pinakakalma naman ang ibang OA na netizens na kung mam-bash sa KathDen ay parang wala nang bukas.

Kalma lang. Ronnie Carrasco III