Home NATIONWIDE Task force nagbabala vs hoarders, price manipulators sa gitna ng nakaambang La...

Task force nagbabala vs hoarders, price manipulators sa gitna ng nakaambang La Niña

(c) Remate News Central File Photo

MANILA, Philippines- Nagbabala si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., chairperson ng Task Force El Niño ng pamahalaan, na tutugisin ng mga awtoridad ang hoarders at manipulators na nambibiktima ng consumers sa paghahanda ng bansa para sa La Niña phenomenon.

Sa pulong ng presidential task force sa Camp Aguinaldo nitong buwan, sinabi ni Teodoro na handa ang Department of National Defense (DND) na magbigay ng suporta sa kaukulang mga ahesya sa price monitoring ng basic necessities and prime commodities.

Aniya, kabilang sa prayoridad sa pagtugon ng pamahalan sa La Niña, inaasahang iiral sa Hunyo, ang paglaban sa price manipulation at pagpapanagot sa hoarders.

“Access to affordable basic commodities such as rice is exceptionally crucial to millions of Filipino consumers. Any sudden fluctuation in the price of rice resonates [in] the daily lives of Filipinos,” pahayag ni Teodoro.

“Whatever support is needed by the Department of Trade and Industry and the Department of Agriculture, rest assured we are here ready to assist them,” dagdag niya.

Binigyang-diin din ni Teodoro na kailangang paigtingin ang price at supply monitoring efforts sa mga pamilihan upang protektahan ang mga mamimili mula sa profiteering sa gitna ng weather phenomenon.

Noong nakaraang linggo, inatasan ni Teodoro ang Task Force El Niño na simulan na ang paghahanda para sa posibleng pagsisimula ng La Niña phenomenon sa susunod na buwan.

Nauna nang inanunsyo ng state weather bureau PAGASA na ang bansa ay nasa “weak El Niño” stage na at posibleng matapos ang weather phenomenon sa Hunyo.

Dahil dito, hinikayat ng PAGASA na maghanda para sa “wetter” La Niña season, partikular sa mga lugar na madalas bahain.

Ayon sa PAGASA, inaasahang made-develop ang La Niña phenomenon, kung saan mayroong above-normal rainfall conditions, sa June-July-August season. RNT/SA