Home NATIONWIDE Alyansa ng PFP sa NPC, ‘not a marriage of convenience’ – PBBM

Alyansa ng PFP sa NPC, ‘not a marriage of convenience’ – PBBM

MANILA, Philippines- Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang political alliance sa pagitan ng kanyang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at Nationalist People’s Coalition (NPC) para sa 2025 midterm elections ay “not a marriage of convenience” na may iisang layunin na dominahin ang eleksyon sa susunod na taon.

“What makes this alliance durable is it is a partnership of equals… not a marriage of convenience, but is born out of the need for the common good,” ayon kay Pangulong Marcos sa Marcos Jr. isinagawang alliance signing ceremony sa pagitan ng PFP at NPC. Ang NPC ang itinuturing na “second major political party” na pumasok sa kasunduan na tumakbo sa ilalim ng isang united banner sa 2025 midterm elections. 

“Maraming magsasabi na ito ay ginagawa lang natin para paghandaan ang halalan… Ngunit ito ay isang bahagi lamang,” ayon sa Pangulo.

“Ito ay hindi pampulitika lamang… Itong pagsasama na ito ay para pagtibayin ang ating pangako sa ating mga kababayan na gagawin natin ang lahat at tayo ay magkakapit-bisig na magtutulong-tulong para pagandahin ang buhay ng bawat Pilipino, para pagandahin ang Pilipinas,” dagdag niya.

Ang alyansa ay magkakaroon ng “strong, united front” at magiging “force that is ready to serve, ready to bring a better life to our people, to defy expectations to come up with a bright future,” ayon sa Pangulo.

“Although we aspire for electoral triumph, let us keep in mind that our ultimate aspiration goes beyond political victory,” giit niya.

“It is a yearning for something transformative… Let our actions resound louder than rhetoric… Let our alliance usher in a new era of good governance,” patuloy ng Chief Executive.

Inilarawan naman ni NPC chairman Vicente Sotto III ang Partido bilang “a formidable network” na mayroong 4,000 miyembro, halos kalahati nito ay pawang incumbent officials.

Sa mga nakaupong NPC members, 5 ang senador habang 39 naman ang mga miyembro ng Kamara.

“NPC on its own has proven to be a political force to be reckoned with. Together with the PFP, we have formed the strongest and unbeatable alliance in the history of the Philippines,” ayon kay Sotto.

“Let this alliance be a symbol of hope… Let us harness the strength of our diversity as we strive towards a common vision of a brighter, more equitable future,” dagdag niya.

Nauna rito, noong nakaraang linggo ay lumagda rin ang PFP ni Pangulong Marcos ng isang alliance agreement sa Lakas-Christian, Muslim, Democrats (Lakas-CMD), na pinamumunuan naman ng kanyang pinsan na si Speaker Ferdinand Martin Romualdez. Kris Jose