Home NATIONWIDE DOH: Kaso ng tigdas, pertussis bumaba

DOH: Kaso ng tigdas, pertussis bumaba

MANILA, Philippines- Iniulat ng  Department of Health (DOH) ang pagbaba ng bilang ng mga kaso ng tigdas at pertussis sa Pilipinas.

Ayon sa DOH, mula sa pagpasok ng taon hanggang Mayo 11 , nakapagtala ng 2,552 measles-rubella (MR) cases.

Ang bilang ng kaso ng MR noong Abril 14 hanggang Abril 27 ay nasa 408, o 8 porsyentong mas mababa kaysa sa 442 noong Marso 31 hanggang Abril 13. 

Ang MR epidemic curve ay nagpapakita ng mga palatandaan ng pagbaba at limang pagkamatay lamang ang naiulat, ayon sa DOH.

“Halfway through the second quarter of 2024, the DOH delivers on its commitment to stem the transmission of measles and pertussis cases,” ayon dito.

“Health Secretary Teodoro J. Herbosa, on orders of President Ferdinand Romualdez Marcos, Jr., continues to secure population health through intensified vaccination campaigns with local governments, primary care doctors, and allied health workers,” dagdag pa nito.

Wala namang rehiyon ang nag-ulat ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng MR sa kamakailang anim na linggong pagsubaybay ng DOH. 

Ang mga batang wala pang 10 taong gulang ang pinakadelikado para sa MR, na bumubuo ng 83 porsyento (2,114) ng kabuuang bilang ng mga kaso.

Sinabi ng DOH na ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, sa pamamagitan ng Ministry of Health (MOH) nito, ay naging pangunahing partner nito sa pagpapababa ng mga kaso ng MR. 

Habang naitala ng Bangsamoro ang pinakamaraming kaso sa 1,196, ang outbreak response immunization (ORI) na pinangunahan ng Bangsamoro MOH ay nagresulta sa 65 porsyentong lower case count sa rehiyon, kung ikukumpara ang Abril 28 hanggang Mayo 11 sa Abril 14 hanggang Abril 27.

“DOH and the Bangsamoro MOH continue to deploy catch-up immunization and ORI according to the specific Bangsamoro areas where MR cases are still being found,” sabi ng  DOH .

Ang pagbaba sa mga kaso ng pertussis ay sinusubaybayan din ng DOH dahil nabanggit na walang patuloy na pagtaas sa alinmang rehiyon sa nakalipas na anim na linggo.

Nagpakita sa datos ng DOH noong Mayo 11 ng kabuuang 2,521 na kaso ng pertussis na naiulat mula noong simula ng taon. 

Ang nationwide pertussis epidemic curve ay nagpakita ng patuloy na pagbaba, na may mga bagong kaso mula Abril 14 hanggang 27 na sa 375, o hindi bababa sa 25 porsyentong mas mababa kumpara sa 499 na mga kaso na naitala mula Marso 31 hanggang Abril 13.

Sa kabilang banda, 96 naman ang nasawi sa pertussis.

Ang DOH ay naghihintay para sa higit sa isang milyong dosis ng pentavalent vaccine na darating sa ikatlong quarter ng 2024. Pinipigilan nito ang diptheria, tetanus, pertussis, influenza type B at hepatitis B. Jocelyn Tabangcura-Domenden