ANTIQUE-TANGING bubong na lamang ang natatanaw ng pitong pamilya sa kanilang mga bahay matapos matabunan ng gumuhong lupa na may kasamang malalaking bato sa kasagsagan ng Severe Tropical Storm Opong nitong Biyernes sa bayan ng Tibiao.
Base sa repport Office of Civil Defense (OCD, higit 11,000 residente mula sa 21 barangay sa Tibiao ang naapektuhan ng bagyo hanggang alas-9 ng gabi nitong Sabado, Setyembre 27.
Maswerte naman nakaligtas ang pitong pamilya at agad na nakalabas ng kanilang bahay bago pa tuluyan matabunan ng gumuhong lupa sa Sitio Igpotoy, Barangay Tuno, ng nasabing bayan.
Agad namang nagpadala ng shelter repair kits at family packs ang OCD sa Western Visayas, katuwang ang Antique Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), para sa mga apektadong pamilya.
Isa rin sa mga pinakatinamaan ang Barangay Tuno, kung saan naglatag ng lubid ang mga residente sa binahang kalsada para mas ligtas na makatawid ang mga tao.
Samantala, tangay ng rumaragasang tubig ang ilang cottages sa Lumpiga Native Mountain Resort, isang kilalang pasyalan sa upland town. Mary Anne Sapico