UNITED STATES – Nadagdagan ang bilang ng mga nasawi sa pagbagsak ng isang air ambulance sa kalsada sa Philadelphia, sa Estados Unidos.
Ayon sa mga awtoridad nitong Sabado, Pebrero 1, ang nadagdag na nasawi ay isang indibidwal na nasa isang sasakyan nang mangyari ang pagbagsak ng eroplano.
Ang naturang eroplano ay may sakay na anim na katao, kabilang ang isang bata na sumailalim sa gamutan nang ilang buwan sa ospital.
Umalis ng Northeast Philadelphia Airport ang maliit na jet at kalaunan ay bumagsak.
Hindi pa tukoy ng mga awtoridad kung bakit bumagsak ang jet, at maaaring abutin pa umano ng ilan araw bago rin matiyak ang bilang ng mga nasawi at nasaktan sa impact area ng naturang mataong lugar. RNT/JGC