Home NATIONWIDE 7 PCG personnel inireklamo sa pagamatay ng apprentice seaman

7 PCG personnel inireklamo sa pagamatay ng apprentice seaman

MANILA, Philippines – Naghain ng reklamo ang pamilya ng apprentice seaman na namatay sa kanilang pagsasanay laban sa pitong Philippine Ciast Guard (PCG) personnel, anim na buwan matapos ang trahedya.

Nahaharap ang mga PCG personnel ng reklamong reckless imprudence resulting in homicide at paglabag sa Anti-Hazing Law.

Sinamahan ng mga ahente ng National Bureau of Investigation ang pamilya ni Mori Caguay sa Department of Justice (DOJ).

Ayon sa pamilya ni Caguay, may kapabayaan sa nasabing pagsasanay dahil lumalabas sa video na ang biktima ay nakalutang sa tubig bago siya sinagip sa panahon ng PCG water search and rescue (WASAR) training sa Cavite noong November 16.

Sa video, isang lalaki mula sa rubber boat ang makikitang sumisigaw habang sinisipa ang tubig patungo sa nakalutang na biktima na noo’y walang malay. Isa pang lalaki ang tumalon sa tubig upang sagipin ang trainee.

Base sa autopsy ng NBI, si Caguay ay namatay dahil sa kakulangan ng oxygen sa utak.

Ang kaso ay unang sasailalim sa evaluation ng tagausig bago sumailalim sa preliminary investigation.

Sinabi naman ni PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, haharapin ng coast ang reklamo at may simpatya sa kanilang mga tauhan dahil wala naman aniyang may gusto sa nangyari.

Idinagdag pa ni Balilo na ilang coast guard units na pinapayagang magsagawa ng water search and rescue training ng may mas mahigpit na protocol at mabilis na response time. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)