Home NATIONWIDE Dali store pinagpapaliwanag ng DTI sa sanitary issues

Dali store pinagpapaliwanag ng DTI sa sanitary issues

MANILA, Philippines – Naglabas ng show cause order ang Department of Trade and Industry (DTI) laban sa Dali Everyday Grocery store dahil sa umanoy sanitary issues at non-compliance sa business regulations.

May 29, 2024 nang maglabas ng show cause order si Assistant Secretary Amanda Nograles na sumasaklaw sa 13 reklamo ng Malayang Konsyumer, ang grupo ng kostumer na pumoprotekta sa karapatan ng mga mamimili.

Ibinunyag din ni Nograles na hiniling din ng DTI ang tulong ng Department of Interior and Local Government upang matukoy ang lokalidad ng Dali na may sanitary issues.

Ipinarating ng Malayang Konsyumer sa Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) ng DTI ang umanoy hindi umano pagkilos ng Dali management para tugunan ang mga reklamo ng mga mamimili.

Sinabi ng FTEB na sisilipin nito ang reklamo at gagawa ng kauakulang aksyon upang masiguro na nakasunod ang Dali sa Consumer Act.

“Furher we will endorse the matter to the Department of the Interior ang Local Government (DILG) to advise local government units to inspect Dali stores’ compliance with sanitary requirements and business regulations in their respective cities/localities,” ayon sa DTI-FTEB sa isang pahayag. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)