Home NATIONWIDE DOH nagbabala: Malasakit Program ginagamit na false loan centers

DOH nagbabala: Malasakit Program ginagamit na false loan centers

Si Wally Bernardo ng Cavite habang inaasistehan ng isang kawani ng Malasakit Center matapos siyang humingi ng tulong dito para sa kanyang dialysis..

MANILA, Philippines – Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa Facebook pages na malisyosong gumagamit ng Malasakit Program Office bilang false loan centers.

“The DOH clarifies that no such support services or offices exist at present,” ayon sa DOH.

“The said pages are FAKE and are not in any way or form affiliated with the DOH,” dagdag pa.

Noong May 15, ang DOH ay naglabas ng babala sa publiko tungkol sa “false video” na tampok ang imahe at pangalan ng DOH Secretary Teodoro J. Herbosa.

Sa isang pahayag, nilinaw ng DOH na ang alegasyon sa video ay pawang kasinungalingan at ang umanoy panayam sa mga opisyal ay malisyusong in-edit.

Binaigyan-diin din ng DOH na maghahain ito ng criminal charges kapag nagpatuloy ang kahalintulad na post.

Hinimok din ng DOH ang publiko na kumuha lamang ng impormasyon sa lehitimong mapagkukunan at platforms tulad ng health department. (Jocelyn Tbanagcura-Domenden)