MANILA, Philippines- Sugatan ang pitong indibidwal matapos sumabog ang butane canister sa loob ng San Simon Municipal Police Station sa Pampanga, base sa ulat nitong Miyerkules.
Kabilang sa sugatan ang tatlong pulis, base sa Philippine National Police.
Base sa mga imbestigador, naghahanda ng pagkain ang mga biktima nang biglang sumabog ang ginagamit nilang portable butane gas stove.
Hinala ng mga awtoridad, may tumatagas nang butane gas bago pa ito masindihan.
Nagtamo ang mga biktima ng first-degree burns. Dinala sila sa kalapit na ospital at kasalukuyang nagpapagaling. RNT/SA