Pinaigting ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagsisikap nito na isulong ang ‘green jobs’—o disenteng trabaho na makatutulong sa pangangalaga o pagpapanumbalik sa kalidad ng kapaligiran — sa regional level.
Nagpulong ang mga direktor ng DOLE sa mga rehiyon para sa isang learning session noong Hulyo 31, 2024, sa Quezon City upang magbigay ng huling kaganapan sa green initiatives ng kanilang regional office, kabilang ang estado ng implementasyon na kaugnay sa legal na mandato.
Binigyang-halaga ni Undersecretary Atty. Benedicto Ernesto R. Bitonio, Jr., ng Labor Relations, Policy, at International Affairs Cluster at Regional Operations Cluster ang pagtutulungan ng pamahalaan, industriya, at akademya upang tiyakin na “green jobs-ready and -skilled” ang lakas-paggawa.
Binigyang-diin niya ang pag-uugnay o paghahanay ng edukasyon at pagsasanay sa pangangailangan ng industriya, partikular sa lumalaking sektor, tulad ng renewable energy, construction, manufacturing, transport, sustainable agriculture at ecotourism.
Ipinahayag ni Institute for Labor Studies Executive Director Jeanette T. Damo na ang paghahanda sa manggagawang Pilipino upang maging “green jobs-ready and -skilled” ay kabilang sa mga prayoridad ng pamahalaan sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028 at ng Philippine Labor and Employment Plan 2023-2028.
Ipinahayag ni Institute for Labor Studies Executive Director Jeanette T. Damo na ang paghahanda sa manggagawang Pilipino upang maging “green jobs-ready and -skilled” ay kabilang sa mga prayoridad ng pamahalaan sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028 at ng Philippine Labor and Employment Plan 2023-2028.
Inilunsad ng Kagawaran ang database green occupations sa pamamagitan ng Career Information System (https://cip.philjobnet.ph/) at nagbigay ng technical inputs at mga rekomendasyon sa Joint Memorandum Circular on the Implementing Guidelines for the Inter-Agency Collaboration on Green Jobs Certification, Incentives Availment, and Support Program. Nakikipagtulungan din ang DOLE sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan sa pagbuo ng green jobs statistics.
Sa international level, nakikipagtulungan ang DOLE sa International Labour Organization (ILO) upang i-update ang umiiral na National Green Jobs Human Resource Development Plan na naglalayong lumikha at pagpapanatili ng ‘green jobs’, kinakailangang ‘green skills’, at pagtitiyak sa ‘maayos na transisyon’ na makatutulong sa pagtugon sa mga isyu sa pagbabago ng klima.
Bilang karagdagan, lumahok ang Pilipinas sa 2023 UN Climate Change Conference at nakiisa sa iba pang umuunlad na bansa sa pakikipagnegosasyon sa UAE Just Transition Work Program, na nakatuon sa napapanatiling pag-unlad, paglikha ng trabaho, at pagprotekta sa mga mahihinang komunidad mula sa epekto ng pagbabago ng klima, ulat ni Executive Director Damo.
Bilang paghahanda, tutulong ang DOLE Inter-Agency Committee on Green Jobs sa pagbabalangkas ng desisyon ng JTWP at pagbubuo ng JTWP country program on inter-agency interventions.