Home NATIONWIDE Habagat magpapaulan sa N. Luzon

Habagat magpapaulan sa N. Luzon

MANILA, Philippines- Magdudulot ang southwest monsoon o Habagat ng maulap na kalangitan na may kalat na pag-ulan sa Northern Luzon ngayong Huwebes, base sa PAGASA.

Inaasahan sa Ilocos Region, Batanes, at Babuyan Islands ang maulap na kalangitan na may kalat na pag-ulan dahil sa southwest monsoon na may posibilidad ng flash floods o landslides dahil sa “moderate to at times heavy rains.”

Nakaamba naman sa Cordillera Administrative Region at sa natitirang bahagi ng Cagayan Valley ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil din sa southwest monsoon na may posibilidad ng flash floods o landslides sa severe thunderstorms.

Makararanas ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms na may nagbabadyang flash floods o landslides tuwing severe thunderstorms.

Ang wind speed forecast para sa Northern at Central Luzon ay light to moderate patungo sa direksyong southwestward habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Iiral sa natitirang bahagi ng bansa ang light to moderate wind speed patungo sa south to southwest direction na may slight to moderate coastal waters.

Sumikat ang araw ng alas-5:42 ng umaga at lulubog ng alas-6:19 ng hapon. RNT/SA