Home NATIONWIDE Pamilya ng dalawang nawawalang aktibista, nagpasaklolo sa SC

Pamilya ng dalawang nawawalang aktibista, nagpasaklolo sa SC

MANILA, Philippines – Nanawagan sa Supreme Court (SC) ang pamilya ng dalawang nawawalang aktibista na magpalabas ito ng writ of amparo at writ habeas data para sa kanilang nawawalang kaanak.

Naghain ng petisyon sa SC ang pamilya nina Gene Roz Jamil “Bazoo” de Jesus at Dexter Capuyan matapos ibasura ng Court of Appeals (CA) ang hirit nila na writ of habeas corpus noong nakaraang taon.

Ang writ of amparo ay isang remedyo para sa tao na nalabag ang karapatan sa buhay, kalayaan at seguridad ng mga taga gobyerno o pribadong indibidwal.

Ang habeas data naman at isang constitutional right na ibinibigay sa mamamayan para magkaroon ng access sa impormasyon na hawak ng gobyerno o private entity sa layunin na maitama ang naturang datos.

Humingi ng saklolo sa SC ang kaanak nina De Jesus at Capuyan upang maresolba ang pagkawala umano ng dalawa.

Batay sa ulat si De Jesus ay information officer ng Philippine Task Force on Indigenous Peoples Rights habang si Capuyan ay dating lider ng New People’s Army.

Ang dalawa ay puwersahan umanong dinukot ng mga armadong lalaki na mga tauhan umano ng Criminal Investigation and Detection Group. TERESA TAVARES