Home NATIONWIDE 7 tigok kay Ramil

7 tigok kay Ramil

262
0

MANILA, Philippines – Pito ang naiulat na patay at dalawa ang nawawala dahil sa Tropical Storm Ramil, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes. Isang tao rin ang nasugatan.

Limang nasawi ang mula sa Calabarzon at dalawa sa Western Visayas, habang ang dalawang nawawala ay taga-Western Visayas at ang nasugatan ay mula Calabarzon. Ang mga bilang ay kasalukuyang nire-validate.

Apektado ng bagyo ang 37,852 pamilya o 133,196 katao sa Rehiyon 2, 3, 6, at 8. Hanggang Lunes, 2,260 pamilya ang nasa 166 evacuation centers, at 1,720 pa ang tumatanggap ng tulong sa ibang lugar. May 68 bahay sa Rehiyon 6 ang nasira, 57 ay bahagyang nasira at 11 ay tuluyang nasira.

Iniutos ng acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa mga pulis na tumulong sa road clearing operations upang mapanatiling bukas ang daan para sa pamamahagi ng tulong. Umalis na sa Philippine Area of Responsibility si Ramil nitong Lunes ng umaga. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here