Home NATIONWIDE 7 tulay sa Isabela ‘di madaanan sa umapaw na ilog

7 tulay sa Isabela ‘di madaanan sa umapaw na ilog

320
0

MANILA, Philippines – Pitong overflow bridges sa Isabela ang hindi madaanan ng mga motorista matapos na tumaas ang lebel ng tubig sa Cagayan River dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng Tropical Storm Ramil, ayon sa Isabela Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).

Ang mga apektadong tulay ay ang Masaya Sur bridge sa San Agustin; Baculud at Cabiseria 8 bridges sa Ilagan City; Annafunan at Gucab bridges sa Echague; Cabagan–Santa Maria bridge; at Alicaocao bridge sa Cauayan City.

Dagdag pa, hindi rin madaanan ang Turod–Banquero overflow bridge sa nagpapatuloy na repair.

Samantala, naharangan naman ng landslide at mudslide ang bahagi ng Nagtipunan, Quirino–Aurora Road sa boundary ng Barangay Decureban at Dioryong sa Nagtipunan, Quirino.

Inabisuhan ng mga awtoridad ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta habang nagpapatuloy ang clearing operations. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here