Home METRO 70 Bilibid PDLs inilipat sa Leyte Regional Prison  

70 Bilibid PDLs inilipat sa Leyte Regional Prison  

MANILA, Philippines- Inilipat ang 70 persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City sa Leyte Regional Prison (LRP) sa Abuyog, Leyte para mabigyan ng karagdagang tauhan ang agricultural projects ng huli.

Dumating ang mga inilipat na PDL– 50 mula maximum-security camp ng NBP at 20 mula sa reception and diagnostic center– sa Leyte nitong Linggo, Hunyo 23, base sa BuCor.

Bahagi rin ang paglilipat ng jail decongestion program ng BuCor. Nauna nang sinabi ng BuCor na ang NBP landholdings ay gagawing government center.

Samantala, inihayag ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na sinisilip niyang ibalik ang konstruksyon ng correction facilities sa Laur, Nueva Ecija.

“We need to revisit this project to partially solve overcrowding at NBP and while awaiting funds for the implementation of RA (Republic Act) 10575, otherwise known as the BuCor Modernization Act,” wika ni Catapang. RNT/SA