Home NATIONWIDE 71 fixer arestado ng LTO mula Oktubre 2025

71 fixer arestado ng LTO mula Oktubre 2025

4
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng Land Transportation Office (LTO) ang nasa 71 fixer sa operasyon nito sa Metro Manila mula Oktubre 2025, ayon kay LTO chief Assistant Secretary Markus Lacanilao nitong Miyerkules, Setyembre 2.

Sa Kapihan sa Manila Bay forum, sinabi ni Lacanilao na mayroong 76 empleyado ng LTO na ang nahuli na rin sa umano’y pakikipagsabwatan sa mga fixer.

Sa 76 empleyado, 64 ang rank-and-file personnel habang 12 ang may high-ranking positions, kabilang ang dalawang office chief.

Tinugis din ng LTO ang 90 online account na nag-aalok ng mga serbisyo ng fixer.

Noong Hulyo ay nagpatupad ang LTO ng region-wide reassignment ng district heads nito sa National Capital Region kasunod ng pagkakaaresto sa tatlong umano’y fixer.

Ani Lacanilao, ang bawat LTO office chief ang responsable sa pagsisiguro na ang mga opisina sa ilalim ng kanilang pangangasiwa ay malaya sa mga fixer at iba pang iligal na aktibidad.

Hinimok naman niya ang publiko na makipag-ugnayan lamang sa mga tauhan ng LTO at isumbong ang mga anomalya sa ireportmokayltochief.ph para sa agarang aksyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here