MANILA, Philippines — Pinaiigting ang panawagan na bantayan at siyasatin ang 21-araw na pananatili ng isang Chinese marine research vessel sa Bajo de Masinloc o Panatag Shoal, partikular ang uri ng datos na maaaring nakalap nito mula sa seabed.
Ang Haiyang Dizhi Shi Hao, na pinatatakbo ng Guangzhou Marine Geological Survey ng China, ay naiulat na nanatili sa lugar mula Agosto 11 hanggang Setyembre 1.







