MANILA, Philippines – Walang hinanakit si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano kay Senador Panfilo Lacson sa ilang paratang na anomalya sa Taguig City na itinuturing nitong “demolition job, witch hunt at trial by publicity.”
Sa kanyang Facebook livestream nitong Miyerkules, Setyembre 2, sinabi ni Cayetano na matagal na nitong pinag-uusapan ang improvement projects sa Taguig City sa nakalipas na 15 taon.
Ilan dito ay pawang sinuri at inimbestigahan ni Lacson na nagsasabing galing ang pondo sa ghost deals ng senador.
“Yes, I am openly saying that Senator Panfilo Lacson is carrying out a demolition job, a trial by publicity, and a witch hunt in Taguig City,” ani Cayetano.
“I have no problem being accused. I am a public official.”
Giit pa nya: “But he is linking all the projects to Taguig and to me, all the titles there. It’s not only unfair, but it’s just plain wrong. If he can’t convince people, he will try to confuse people.”
Iginiit ni Cayetano na hindi siya nagagalit kay Lacson saka hinikayat ang suporters na sa halip, magalit sa kasalanan at mahalin ang nagkasala,” ayon sa senador.
“I have no anger. No hatred towards Senator Lacson,” giit ni Cayetano.
Nangako din si Cayetano na kanyang lilinawin ang ulat ay Lacson laban sa Tagug projects. Ernie Reyes