Home NATIONWIDE 72 DQ cases naisampa na vs BSKE bets

72 DQ cases naisampa na vs BSKE bets

MANILA, Philippines- Nakapaghain na ang Commission on Elections (Comelec) ng 72 disqualification cases laban sa mga kandidato para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa umano’y premature campaigning.

Ayon sa datos na ibinahagi ni Comelec chairperson George Garcia, mayroon pang 211 posibleng disqualification cases batay sa inisyal na pagsusuri ng Task Force Anti-Epal hanggang nitong October 5.

Sa kasalukuyan, nakapaglabas na ang Comelec ng kabuuang 4,942 show-cause orders, kung saan 1,053 ang mayroon nang tugon.

Ibinasura naman ng Comelec ang 342 reklamo dahil sa kakulangan ng factual basis.

Sa mensahe ni Comelec spokesperson Rex Laudiangco, sinabi niyang nakatakdang maghain ang task force ng12 karagdagang petitions for disqualification.

Ikakasa ang mga petisyon matapos ang pormal na paghahain ng Comelec Committee on Kontra Bigay ng limang disqualification cases laban sa BSKE candidates sa umano’y vote-buying.

Bukod sa petitions for disqualification, sinabi ni Laudiangco na magsasampa rin ang Committee on Kontra Bigay ng limang verified complaints sa reklamong vote-buying. RNT/SA

Previous articlePaghingi ng tulong ng US sa imbestigasyon vs Andy Bautista, ikinagulat ng Comelec
Next articleLTFRB naglabas ng ₱860M sa Landbank para sa fuel subsidy