MANILA, Philippines – Nag-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng 73 karagdagang police motorcycles sa Metro Manila upang mapabilis ang pagtugon sa mga emergency call sa 911 hotline, lalo na sa mga lugar na madalas maipit sa trapiko.
Ayon sa NCRPO, makatutulong ang mga motorsiklo upang mas mabilis na makarating ang mga responder sa mga insidente kahit sa masisikip at congested na kalsada.








