Home NATIONWIDE 75 Pinoy galing Lebanon, pauwi na sa Pilipinas

75 Pinoy galing Lebanon, pauwi na sa Pilipinas

MANILA, Philippines – Magbabalik bansa sa Linggo ang 75 Filipino, ang pinakabagong batch sa nagpapatuloy na repatriation program ng bansa sa Lebanon, na binomba ng mga airstrike sa gitna ng mas matinding hidwaan sa pagitan ng Israel at ng Hezbollah.

Sinabi ng Department of Migrant Workers ngayong Sabado na lalapag sa Ninoy Aquino International Airport ang mga OFWs alas-8:30 ng umaga bukas.

Sa nasabing batch, magdadala sa kabuuang 1,191 bilang ng mga Filipino na pauuwiin ng gobyerno simula Oktubre 28.

Inilarawan ng United Nations noong Biyernes ang mga nakaraang buwan ng pinatindi na pambobomba ng Israeli sa Lebanon bilang ang “pinaka nakamamatay at pinaka mapangwasak ” na mga dekada.

“In recent weeks, Israel dramatically intensified its airstrikes and ground incursions, and this has deepened the humanitarian catastrophe that has affected civilians,” sabi ni Ivo Freijsen, ang UN refugee agency representative sa Lebanon sa mga panayam. Jocelyn Tabangcura-Domenden