Home Entertainment Lolit, nagbantang magdedemanda!EntertainmentSHOWBIZTOP STORIES Lolit, nagbantang magdedemanda!November 23, 2024 15:439710 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Lintik lang ang walang ganti!Wari’y ito ang isinisigaw ni Lolit Solis para sa alaga niyang si Paolo Contis.Inalmahan kasi ng manager ang paggamit ng larawan ni Paolo sa produktong ibinebenta sa TiktokHindi kasi kinuha ang permiso ng aktor ng mga taong nasa likod nito.As far as Paolo is concerned, mallit na bagay lang daw ‘yon, short of saying na palampasin na lang.Pero hindi sa kaso ni Lolit na tahasang sinabing walang respeto kung sinuman ang may gawa niyon.Hinihiling ni Lolit na huwag tangkilikin ng publiko ang produktong ‘yon whose owner does not deserve as much respect.Nagbanta pa si Lolit na kung hindi titigil ang may-ari nito sa paggamit ng litrato ni Paolo ay mapipilitan siyang gumawa ng ligal na hakbang.May punto nga naman ang manager.Maliwanag kasing kumikita ang may-ari nito at the expense ng isang walang kamalay-malay na celebrity tulad ni Paolo.Aba, kung mangongomisyon si Lolit sa talent fee ni Paolo for endorsement, malaki-laki rin ‘yon, ha?! Ronnie Carrasco III