Home ENTERTAINMENT AICS, AKAP malaking tulong sa mga mahihirap; walang bahid ng politika –...

AICS, AKAP malaking tulong sa mga mahihirap; walang bahid ng politika – DSWD chief

MANILA, Philippines – Sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na lahat ng pangunahing programa ng ahensya ay nagbibigay ng serbisyo at pagtulong sa mga kapuspalad.

Bunsod nito, tiniyak ng DSWD chief na marami sa mga mahihirap na Pilipino ang nabiyayaan o nakatanggap ng benepisyo sa mga programa ng ahensya partikular na ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).

“Let me reiterate that all the DSWD’s Field Offices across the country serve people in need, whether they are walk-in clients or were referred to by local government unit (LGU) officials. The DSWD continues to process applications and distribute assistance through AICS and AKAP to qualified beneficiaries,” sabi ni Secretary Gatchalian.

Kaugnay nito mariing pinabulaanan din ng DSWD chief ang umano’y nagagamit ang AICS at AKAP sa mga pampulitukal na hangarin kabilang na rito ang umano’y “vote buying.”

Ayon pa sa Kalihim, dumadaan sa masinsing validation at verification ang mga beneficiaries na nagnanais na mapabilang sa nabibigyan ng tulong, gayundin ng mga referrals mula sa mga mambabatas at LGU officials.

Sa kabila ng maayos na koordinasyon ng ahensya at lokal na pamahalaan kaugnay ng mga payout activities, ang pondo ng AKAP at AICS ay kapwa nagmumula sa budget ng ahensya sa ilalim ng General Appropriations Act or GAA.

Ang referrals mula sa mga mambabatas at local executives ay pinapayagan base sa existing DSWD guidelines.

Mahigit sa 6.5 million na Pilipino na pawang humaharap sa hirap ng buhay ang natulungan ng DSWD na umabot sa halagang Php40.9 billion sa ilalim ng AICS program mula January hanggang December 2023.

Ang halaga ng tulong na inilabas sa AICS program noong 2023 ay umabot sa 98.5% fund utilization na nagkakahalaga ng higit P41.5 million.

Umabot naman sa higit apat na beses na katumbas ng annual total target of beneficiaries na 1,691,869 ang nabigyan ng tulong ng AICS para sa 2023.

Kabilang sa mga tulong na naipaabot ng DSWD sa ilalim ng programa ng AICS ang transportation medical, burial, transportation, education, food at iba pang support services.

Mahigit naman sa 4 million ‘near poor’ Filipinos, ang iniulat na nagbenepisyo sa programa ng AKAP mula ng simulan ito ng January hanggang October 2024. Santi Celario