Home HOME BANNER STORY 7,749 pasado sa PH nurses licensure examination

7,749 pasado sa PH nurses licensure examination

MANILA, Philippines – Topnotcher ang isang graduate sa St. Jude College-Dasmariñas, Cavite sa Philippine nurses licensure examination na ginanap noong unang bahagi ng buwan.

Ayon sa Professional Regulation Commission, 7,749 sa 11,116 ang pumasa sa pagsusulit, na ibinigay ng Board of Nursing sa mga testing center sa Metro Manila, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, Zamboanga at Puerto Princesa.

Kinilala si Abigail Escueta Cayanan ng St. Jude College ang topnotcher na may score na 92.60%, habang ang best-performing school na may 30 o higit pang examinees ay ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, kung saan nakapasa ang lahat ng 31 na kumuha ng pagsusulit.

Maaaring makita rito ang buong listahan ng mga nakapasa. RNT