Home METRO P3.1M kush nasabat sa Antipolo

P3.1M kush nasabat sa Antipolo

CLARK, Pampanga – Nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency-Central Luzon ang halos dalawang kilo ng imported na kush o high-grade marijuana na nagkakahalaga ng P3.1 milyon noong Lunes, Mayo 13, sa Antipolo City, Rizal.

Arestado ang recipient na si Zintaro Uy, 23, sa isang controlled delivery operation sa Sitio Pantayanin, Pinagsamahan St., Barangay Dela Paz, Antipolo City.

Sinabi ng PDEA-Central Luzon na ang mga kontrabando ay ipinadala mula sa Estados Unidos at dumating sa Port of Clark noong Mayo 9.

“Ang mga ilegal na droga ay nakapaloob sa apat na plastic pouch at idineklara bilang hooded sweat shirts. Alam ng suspek ang laman ng mga parsela at hindi napigilan ang pag-aresto nang kinulayan ng mga operating team,” anang PDEA-Central Luzon.

Ang operasyon ay suportado ng Bureau of Customs-Port of Clark, PDEA Special Project Team, at iba pang law enforcement units.

Nahaharap si Uy sa non-bailable case dahil sa paglabag sa Section 4 (importation of dangerous drugs) ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Santi Celario