Home NATIONWIDE 78 OFW applicants nasagip ng DMW; iligal na accommodation facility sa Makati...

78 OFW applicants nasagip ng DMW; iligal na accommodation facility sa Makati ipinasara

1
0

MANILA, Philippines — Nasagip ng Department of Migrant Workers (DMW) ang 78 aplikanteng overseas Filipino workers (OFWs) mula sa isang hindi rehistradong accommodation facility sa Barangay Palanan, Makati City at ipinasara ito dahil sa kakulangan ng kaukulang permit at paglabag sa mga itinakdang pamantayan.

Ayon sa DMW, ang mga aplikante ay na-recruit sa pamamagitan ng Jenerick International Manpower Inc. at pinangakuan ng trabaho bilang domestic workers sa ilang bansa sa Asya at Middle East.

“Gayunman, nadiskubre ng DMW na nananatili ang mga aplikante sa isang accommodation facility na hindi rehistrado at walang kaukulang clearance permit mula sa kagawaran,” ayon sa ahensya.

Natuklasan din ng DMW na hindi angkop ang pasilidad bilang tirahan dahil sa kakulangan ng espasyo, maayos na bentilasyon, at ligtas na kondisyon para sa mga aplikante.

“Lumabas din sa beripikasyon na hindi angkop ang pasilidad bilang tirahan dahil sa kakulangan sa espasyo, maayos na bentilasyon at ligtas na kondisyon para sa mga aplikante,” dagdag nito.

Agad na ipinatupad ng DMW-National Capital Region at Migrant Workers Protection Division ang Closure Order No. 2 sa pasilidad sa tulong ng lokal na pamahalaan.

Matapos ang operasyon, nakipag-ugnayan ang DMW sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang mabigyan ng agarang tulong ang mga nasagip na aplikante, kabilang ang financial assistance at pansamantalang matutuluyan.

Ayon sa DMW, bahagi ang operasyon ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa illegal recruitment at human trafficking alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Muli ring nanawagan ang ahensya sa mga naghahangad magtrabaho sa ibang bansa na tiyaking lehitimo ang recruitment agencies, job orders, at employment offers, at agad na iulat sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang recruitment activities. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here