Home METRO 8-anyos babae natagpuang kritikal sa bahagi ng NLEX Mabalacat Pampanga

8-anyos babae natagpuang kritikal sa bahagi ng NLEX Mabalacat Pampanga

285
0

PAMPANGA, Philippines – Isang walong taong gulang na batang babae ang nakikipaglaban para sa kanyang buhay matapos itong matagpuang brutal na binugbog at kalahating hubad sa Mabalacat City, Pampanga.

Ang biktima na kinilala lamang sa alyas na “Amy,” ay residente ng Mabalacat City.

Dinala siya sa ospital ng mga tauhan ng North Luzon Expressway (NLEX) matapos madiskubreng halos walang malay, puno ng mga pasa at sugat sa buong katawan.

Ayon sa mga awtoridad, si Amy ay naiulat na nawawala ng kanyang ina noong Oktubre 19, matapos mabigong umuwi nang gabing iyon.

Sa tulong ng mga opisyal ng barangay, nirepaso ng pamilya ang CCTV footage mula sa malapit na internet shop – ang huling lugar kung saan nakita ang bata.

Makikita sa footage si Amy na nakaupo sa loob ng shop, pinapanood ang ibang mga bata na naglalaro sa computer nang may lumapit sa kanya na lalaki at tinapik siya sa balikat.

Agad na sinundan ng bata ang lalaki at hindi na muling nakita.

Kalaunan ay kinilala ng pulisya ang suspek na si “Christian”, 20, isang helper at residente ng parehong barangay kung saan nakatira ang biktima.

Batay sa imbestigasyon ng Mabalacat City Police, inalok umano ni Christian ang bata ng P20 kapalit ng pagsama nito.

Madalas umanong pumunta si Amy sa internet shop, kung saan nagtatrabaho ang kanyang nakatatandang kapatid na babae.

Sa pagtatanong, sinabi ng mga opisyal ng barangay na umamin ang suspek na dinala ang bata sa isang liblib na lugar malapit sa North Luzon Expressway (NLEX).

Sa lugar na iyon kung saan natagpuan ng mga tauhan ng NLEX ang bata na halos walang malay at malubhang nasugatan.

Nabatid sa mga medikal na ulat na si Amy ay nagtamo ng malubhang pinsala sa ulo at katawan, na pinaniniwalaang dulot ng paghampas ng bato.

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na biktima rin ng sexual assault ang bata.

Inaresto ng mga boluntaryo ng Barangay Bantay Bayan ang suspek at itinurn-over sa Mabalacat City Police Station.

Nahaharap siya ngayon sa mga kaso ng statutory rape at frustrated murder. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here