Home HOME BANNER STORY 8-anyos patay sa baril-barilan ni SK sa Iloilo

8-anyos patay sa baril-barilan ni SK sa Iloilo

ILOILO, Philippines – Patay ang isang 8 taong gulang na bata matapos aksidenteng mabaril gamit ang isang homemade gun na pag-aari ng Sangguniang Kabataan kagawad sa Barangay Paloc Bigque, Dumangas, Iloilo.

Base sa imbestigasyon, naglalaro umano ng pellet gun ang biktima sa labas ng bahay ng suspek bago ang insidente.

Nauna nang binalaan ng suspek ang biktima na huwag pumasok sa kanyang bahay pero pumasok ang biktima at isa pang menor de edad na nakasaksi sa insidente.

Sa pagtatanong ng pulisya, iginiit ng suspek na aksidente niyang nalaglag ang kanyang baril na tumama sa bata.

Nagnegatibo naman siya sa pagsusuri sa paraffin test.

Gayunpaman, sinabi ng mga awtoridad na itutuloy nila ang imbestigasyon dahil tatlong tama ng bala ang natagpuan sa ulo ng biktima, ani Dumangas Police Investigator Staff Sergeant Ramon Baylon Jr. Santi Celario