Home HOME BANNER STORY Pinas, walang ligal na tungkulin na makipagtulungan sa ICC

Pinas, walang ligal na tungkulin na makipagtulungan sa ICC

144
0

MANILA, Philippines – Walang ligal na obligasyon ang Pilipinas para makipagtulungan sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa ipinairal na war on drugs ng Duterte administration.

Ito ang mariing ipinahayag ni Solicitor General Menardo Guevarra bunsod ng mga ulat na may mga taga ICC ang dumating na sa bansa.

Nanindigan si Guevarra na hindi tungkulin ng bansa na makipag-cooperate sa ICC investigation.

Maari naman aniya na magsawa ng imbestigasyon ang ICC ng hindi nagpupunta sa Pilipinas dahil meron itong mga local groups na maaring maglaan ng tulong at suporta.

Sinabi ni Guevarra na tiyak na batid ng Bureau of Immigration kung nakapasok na ng bansa ang mga taga ICC.

Una nang tumanggi na magbigay ng pahayag si BI spokesperson Dana Sandoval dahil wala umano naman umano itong natatangap na impormasyon hinggil sa usapin.

Ipinahayag rin kahapon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na kung nasa bansa na ang ilang miyembro ng ICC, kasama sa protocol na dapat itong makipag-ugnayan agad sa gobyerno.

Magugunita na sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte umatras ang Pilipinas sa Rome Statute, ang treaty kung saan itinatag ang ICC. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here