Home NATIONWIDE Indonesian President Widodo bibisita sa Pinas sa Enero 10

Indonesian President Widodo bibisita sa Pinas sa Enero 10

MANILA, Philippines – NAKATAKDANG magkita at magpulong sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Indonesian President Joko Widodo sa Enero 10.

Kinumpirma ng Presidential Communications Office (PCO) sa isang Facebook post na magkakaroon ng official visit sa Pilipinas si Widodo mula Enero 9 hanggang 11.

“President Ferdinand R. Marcos Jr. is pleased to welcome His Excellency Joko Widodo, President of the Republic of Indonesia, for his upcoming official visit to the Philippines, scheduled on 9-11 January 2024,” ayon sa PCO.

“President Marcos Jr.’s meeting with President Widodo on 10 January 2024 is anticipated to take stock of the progress in Philippines-Indonesia relations following the successful state visit of President Marcos Jr. to Indonesia on 4-6 September 2022,” dagdag na pahayag ng PCO.

Tinuran pa ng PCO na inaasahan na muling pagtitibayin nina Pangulong Marcos at Widodo ang kanilang commitment na mas palalimin at palawakin pa ang ugnayan ng dalawang bansa.

Sa kabilang dako, ipagdiriwang naman ng Pilipinas at Indonesia ang kanilang ika-75 anibersaryo ng formal diplomatic relations sa Nobyembre ngayong taon.

Sa ulat, pormal na itinatag ang diplomatic ties sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia noong Nobyembre 24, 1949. Kris Jose