Home METRO 8-anyos tusta sa sunog sa Malolos

8-anyos tusta sa sunog sa Malolos

BULACAN, Philippines – Isang walong taong gulang na bata ang nasawi sa sunog na sumiklab sa mahigit anim na bahay sa isang residential compound sa Purok 5, Barangay Look 1st, City of Malolos noong Sabado, Abril 20.

Sa ulat na nakarating kay retired Col. Manuel M. Lukban Jr., hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), sinabing nagsimula ang sunog alas-11:00 ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Harris Buesa, 8, na naiulat na nakulong sa loob ng kanyang bahay sa panahon ng sunog. Wala namang naiulat na nasawi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay sa lugar.

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at ang halaga ng pinsala sa ari-arian. RNT