Home METRO Lider ng sindikato arestado sa Antipolo

Lider ng sindikato arestado sa Antipolo

MANILA, Philippines – Naaresto ang pinuno ng kilalang “Nicdao Criminal Group” na itinuturing na nangungunang pinagmumulan ng iligal na droga sa Antipolo City sa Rizal at mga kalapit na bayan.

Nagawang maaresto ang suspek ng Antipolo City Police noong Linggo ng gabi, Abril 21, ang Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO).

Kinilala ang suspek na si “Darwin”, 30, residente ng lungsod. Siya rin ay tinaguriang No. 5 most wanted person ng Police Regional Office (PRO) Region 4A.

Batay sa ulat ng pulisya, inaresto si Darwin sa bisa ng ilang warrant of arrest para sa murder na walang piyansa at homicide na may inirekomendang piyansa na P120,000.

Pinaghahanap ang suspek para sa pagpatay kay “Kalbo” noong Pebrero 10, 2022 sa Barangay Cupang, Antipolo City, at isang “Alvin” noong Oktubre 27, 2021 sa Barangay Mayamot. RNT