Home NATIONWIDE 8 bahagi ng national sarado pa rin sa epekto ng bagyo, Habagat

8 bahagi ng national sarado pa rin sa epekto ng bagyo, Habagat

295
0

MANILA, Philippines – Walong national road section sa buong bansa ang nananatiling sarado sa trapiko dahil sa pinagsamang epekto ng habagat, Tropical Depression Dante, at low-pressure area (LPA), sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa pinakahuling travel advisory nitong Miyerkules, Hulyo 23, iniulat ng DPWH na ang mga pagsasara ay sanhi ng pagguho ng lupa, mga natumbang puno, at pagbaha.

Sa walong isinarang kalsada, isa rito ay sa Metro Manila, dalawa sa Ilocos Region, dalawa sa central Luzon, isa sa Cordillera Administrative Region (CAR), isa sa Calabarzon at isa sa Zamboanga Peninsula.

Samantala, 17 national road sections ang limitado ang access dahil sa naputol na kalsada, pagbaha, precautionary measures, gumuho na slope prtection at nawash-out na detour roads.

Sa mga ito, isa sa Metro Manila, siyam sa Central Luzon, apat sa Calabarzon, isa sa CAR, isa sa Ilocos Region at isa sa Zamboanga Peninsula. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here